12:35 AM 11/25/01
Katatapos lang ng replay ng "Band of Brothers" sa HBO. "Bastogne" ang pamagat ng pinakabagong installment. Tama ang lahat ng rave reviews na nakita ko. Ayoko nang ulitin pa, mega-publicity na nga ang HBO e. Magandang intertext dito ang "Red Badge of Courage" ni Stephen Crane. Kaso, syempre, OK lang na palampasin ito. Hindi naman lahat ng naglalaway sa "Potter" ni Rowling e tumikim sa "Hobbit" ni Tolkien.
Duda pa rin ako sa timing ng paglabas ng "Band of Brothers" syempre (re: check out the real-life international scene). Ok dito kung iwasan ang mga mapanrakap na asumpsyon tungkol sa mga "bida" at "kontrabida" kasi magkakagulo talaga kung tayo mismo ang kokolonisa sa sariling pag-iisip. Isaalangalang ang mga pinong kaibhan (nuances) ng panahon at kultura at tiyak na mas malalasap ang tunay na linamnam. Panoorin ito! Sipsipin lamang ang ang utak ng kwento tulad ng pagharap sa bulalo. Huwag kainin ang matigas na buto ng kultural na bias.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento