Bukod sa kaisa-isang blogspot na binisita ko (kantogirlblues), wala akong kaalam-alam sa laro ng blog. May kultura bang dapat respetuhin? May wika ba na dapat santuhin? Kung anupaman, wala akong nakikitang blog-parak. Kaya't itutuloy ko ayon sa aking hwisyo ang proyektong "tekstongbopis."
Maanghang ito, kung sa maanghang. Pero minsan, lalo na sa karinderya malapit sa opisina, medyo malabnaw. Sa katunayan ayaw ko nga ng bopis na masabaw e. Pero ganito ang buhay. Mas lalong ayaw mo ng sabaw, mas lalo kang babahain. Minsan rin, matamis. Minsan, matamis at malamig pa, terno sa bahaw! pero hindi ito tekstonghalohalo sapagkat ang ideya ay isang "kabuuan" na nawasak at binuong muli sa kakaiba ngunit kaugnay at makabuluhan na ingkarnasyon. Ang lutong bopis ay mula sa isang kabuuan, isang buhay na bagay na may kaayusan sa sarili nito, isang baboy, o baka. O sige na nga, minsan, para sa mga sira-tuktok na mga bio student, isang pusang lasang formalin. O ayan, patay na sa harap mo (singledead, kungswerte). Partepartehin mo ngayon. Ipagpapatuloy....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento