Napapahaba ang mga sinusulat ko rito. Dala lang siguro ng sobrang emosyon, hehe.
Sa mga wala nga pala talagang ibang magawa sa oras nila, maraming oras ang masusunog sa pagbabasa ng "The Island Before Time" ni Umberto Eco. Maayos ang pagkakabuo sa tomong ito. Maraming inambisyon ang libro at natamo naman lahat. Lalo na ang pagnanais nitong maging pagsasanobela ng diskurso sa teoryang pampanitikan. Walang kaduda-duda na mahusay na ginamit dito ang pagiging semiotician ni Umberto Eco. Pero kahit wala kang paki sa teoryang pampanitikan, may sariling takbo naman ang kwento. Masustansya kung sa masustansya. Pero sa huli, kung nais mo talagang manamnam ang putahe, talagang magkakaroon ka ng paki sa teoryang pampanitikan. Sa mga mahilig mangolekta ng label, oo, "postmodernist" ang akda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento