Naaasar na talaga ako sa talinghaga ng marahas na lungsod. Ipinapakita sa iba't ibang manipestasyon ng talinghaga na ito ang lungsod bilang isang makabagong gubat. Para sa akin kasi, dapat matagal nang nakatala ito bilang isang cliche.
Kaso, totoo naman ang nakasaad dito. At tila sa bawat ikikilos natin sa kalakhang Maynila, makikita natin ito. Lalo na kung sensitibo pa rin tayo.
Kahit sa matataas na gusali ng Ortigas at Ayala, o sa mga eryang slum sa gilid-gilid ng Maynila. Iisa ang istorya. Parang dalawang mukha ng iisang piso. Cara y Cruz. Sa kabila ng mga deklarasyon ng kaunlaran at antas ng kabihasaan natin (kabihasnan), palaging nanalaytay sa ilalim ang ganitong katotohanan. May mga butas at krak sa mga pader ng ating sibilisasyon. May mga hiwa at kubling lagusan sa ating pagkasibilisado.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento