May bago akong nais gawin sa espasyong ito. Gusto ko rin kasing gamitin ang Filipino na malapit sa puso ko. Plano ko, sa bawat isang paksa, dalawang dila ang gagamitin ko. Gayumpaman, hindi salin ang isa ng isa. Magkaugnay at magkatuwang. Baka nga nagkakaangasan pa. Mas malapit kasi iyon sa tunay na estado ng postkolonyal na pag-iisip ko.
Noong nag-umpisa ito. Ginagamit ko ang kapwa dila kapag trip ko, kahit sa magkaibang paksa. Kaso, gusto kong maipakita na matatalakay sa Filipino ang anumang matatalakay sa Ingles. Depende lang iyan sa timpla ng gumagamit.
Kaso naisip ko rin na baka mas maging magulo lahat ito. Bopis na nga e tatadtarin ko pa. Ano kaya? Paano kung gumawa ako ng bagong blog?
Ewan ko, saka ko na iisipin. Baka ilagay ko na muna rito para sa ingkubasyon. Kung hindi man mabuo at mabuhay, may maiuuwi naman akong mainit na balot!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento