Dis 20, 2001

Work Party
8:51 PM 12/20/01

I have one last workday left tomorrow. I have the whole office to myself and, being a closet anti-social, that's a good way to spend the last workday. A silent, self-paced day typing reports and composing letters.

Contrast that with yesterday. I had two serious meetings crammed after lunch. And after that, the Christmas Party with the rest of the staff. That collective din earned for me a bout with migraine before last night's sleep.

The meetings were two roaring dumptrucks heavy with policies to be formulated, more people to deal with, proposals to be drafted, presentations to be set-up, and problems to contend with. I was the dumpsite.

Then the party. It was also a victory party of sorts. We were no.1 in our field this year! That part I balme on the staff.

I met the staff members, their better halves, children, and some friends in a radically different light. There was something beyond beyond the numbers we crunch, the eyes we operate on, the people we meet, and the endless paper trail that mark our professional passing. I felt something really very funny. I'm not used to it so it took a while to settle down in my gut. But it's a good, bittersweet feeling.

I felt and knew with uncanny certainty, that whatever happens, even if I get unceremoniously fired tomorrow, I will always consider this staff - with people I knew for barely half a year - family.


Markadong Gemini
9:37 PM 12/20/01

Wala akong pakialam kung nasa ilalim ako ng Gemini o kung nasa anong bahay ng anong planeta nakakulong ang tadhana ko. Wala akong tiwala sa mga bituin o anumang nakasulat sa mga kumukutitap nilang pagmumukha. Pumipirma lamang sila ng luha sa langit kapag nahuhulog na sila.

Sa Lian, Batangas ako magpaPasko. Mag-aanak ako sa binyag sa a-bente kwatro, pangalawa ko na (pangatlo, ipapaliwanag na lang, maya-maya...) pero naninibago pa rin ako.

Kuya ko ang ama ng poging lalaking sanggol, pinsan ko sa banda ng ama ko. Kuya ko rin yung kumuha sa akin dati, pero pinsan ko naman siya sa banda ng ina ko. Digresyon, pero babanggitin ko na rin, nagkataong parehong (Ate) Edna ang ngalan ng mga kumare ko. Dahil sa mga "nagkakataon" na ganito, minsan inaakala ng isang indibidwal na talagang espesyal siya, pinagpala, o may mahalaga at kakaibang kahahantungan.

Pero wala na sa isip ko iyon. Sa totoo lang, ikinararangal ko talaga na napili ako ng pinsan ko para sa panganay niya pero hindi ako gaanong masaya. Natatakot pa nga ako. At hindi ito ang tipikal na "takot" ng mga ninong sa mga reregaluhang inaanak.

Kambal ang una kong inaanak. Dalawa silang magagandang babaeng sanggol. Noong bininyagan sila, pakiramdam ko nga may kaakibang nakasulat sa mga bituin ko dahil kambal ang una kong aanakin sa binyag! Swerte raw iyon. At dalawa lang kaming pares ng ninong at ninang! Hindi ito tipikal sa lugar namin sa Rizal, kung saan may pag-iisip na investment ang maraming ninong at ninang na matutunog na pangalan.

Ngunit simple lamang mag-isip ang mag-asawa. Bagay sa payak nilang pamumuhay kahit kakontra sa pag-iisip sa paligid nila.

Ilang buwan pagkatapos, bumigay ang mahinang katawan ng kakambal. At ilang araw pa, ako mismo ang nagbendisyon bago isarado ang ataul at ilagak sa sesementuhang lupa.

Kung tutuusin, wala akong swerte o silbi. Mas mabuti pa nga siguro kung may mas matunog at makapangyarihang ninong na nalapitan para sa ospitalisasyon. Ano ba ang magagawa ko, hamak na mag-aaral, sa mataas na singil ng kamatayan? Walang bituin, walang tala, walang nakasulat, walang swerte, walang kapangyarihan. Wala kapwa para sa inaanak at inaama.

Ngunit sa loob ko, hanggang ngayon, umaasa ako na wala man ang lahat ng ito para sa kanya, ang espesyal kong inaanak, sana pinagpala siya, may kakaibang kinahantungan, may mahalagang kahulugan.

Sa Bisperas, may nakahanda na ako para sa kakambal niya, magdadalagita na. Kung walang kakaibang mangyayari, dadalo ako sa binyag ng mahal kong magiging inaanak. Haharapin ko ang masasayang magulang sa seremonya at pista. Haharapin ko sila, mga pinsan ko, na umasang swerte ang anak nila sa akin. At nagtiwalang maaasahan ako kapag may masamang mangyari.


*****
Sa mga makakabasa, malugod kong pinasasalamatan ang anumang iaalay na mabuting kaisipan o dasal para sa mga bata. Sa kasalukuyan o hinaharap, pagsumikapan sanang pahalagahan ang mga inaanak at ang bigat ng responsibilidad lagpas sa mga pangalan at aginaldo. Manigong Bagong Taon sa lahat!

Walang komento: