Ene 10, 2002

Magdaragdag ako ng ibang link. Marami pa akong gustong idagdag kaso itong kakaragkarag na yunit ko (at ang prepaid server na galit yata sa mga kustomer) e minsan ayaw ipakita ang ibang site na sa ibang yunit (at server) e kadali namang magpakita. Kaasar. Ineeksplika ko ito hindi lamang para magtrip. Dumoble kasi yung isa kong entri, yun bang sinundan nito, at kelangang i-edit at palitan. (,")