Ene 22, 2002

Sa ngayon, masasabi ko lang na talagang kasarap sa Mang Jimmy's lalo na't kasama ang mga kaibigang hindi kumukupas! Kasama ko sina Mechajol (ladies first), Kantogirl, at Nathan. Yung kaibigan kong may Butas na Chucks, hindi na nakaabot doon. Nalulungkot nga ako pero matutuwa kaya siya kung malaman niyang ikinain na lang namin siya! Tagay ng tubig mare! Musta na?

Maraming pinag-usapan. Ayaw kong simulan at baka hindi na ako makapasok bukas! Napag-usapan na ang lahat maliban sa nakatakdang pag-usapan, ang Proyekto. Hehe! Pero OK lang iyon! Usap-usapan rin lang naman ang gagawin namin doon e.

Grabeng kabundatan na naman ang inabot ko! Kasarap kasi talaga ng toma sa malamig na gabi. Lalo na't sinundan nito ang pusit, tapa, pork chop sa grabeng gravy at mayo sisig na lahat tinugtog sa tono ng sizzling plato at eat-all-you-kanin!

Mabuhay ang maboteng usapan! Kahit pa bote lang ng juice o mineral water, oks lang yan! Mahalaga sa lahat ang tagayan ng mga masasayang isipan! Hanggang sa muli!