Peb 17, 2002

Eksaherasyon yung sa taym deposit ha?

Pakyut lang! At Larow, oks na, kailan tayo maghahalo-halo?

Nico, tama ka, may egotistikong sira ulo na walang magawa sa buhay kundi piliting ibalandra ang kanyang walang kakwenta-kwentang machismo na nagpasabog ng pillbox sa Peyups. Isa na namang pruweba na papunta na nga sa mga aso ang aking alma mater. Duon nga sa may CASAA, naruon nga yung utol kong lalaki na pinangakuan ko ng bugbog at arnis kapag nalaman kong sumali siya ng sira ulong organisasyon. Buti na lang at hindi siya ang nagpasabog. Biyernes nga ng gabi at dahil pyestang Peyups ang sadya ko, nuong gabi ko na nalaman, pag-uwi ko sa bahay, binalita nga ni little bro. Hindi bale, kapag may nakita pa akong balita tungkol sa pillbox at pillboxer na iyon, ibabato ko na lang sa direksyon mo!

Sana ligtas kayo riyan sa kampus nyo ng tropa mo pre. Ingat lang lagi kasi kahit "intrinsically good" man ang tao, may pangilan-ngilan talagang di maiiwasang may topak.

Ria girl, itanong mo sa kanya kung may tampo pa siya! At itanong mo kung natuwa siya sa hapi valentayms at hapi teacher's day nya! Hehe, kampante ba masyado? Pakibigay na lang kay Yjhay ang addy ko ha? Hindi ko yata natanggap yung text nya e, si Sanyata yata. (",)