Peb 19, 2002

Jerico, nakarating na ako sa Bulatlat.com. Malaman at masustansya! Sa Tinig.com ako aktibo at ayaw ko munang pumasok sa ibang e-group. Pero maayos na batis nga karagdagang "fast facts" at opinyon yung binigay mo sa aking E-zine. At maaasahan mapapadalas ang pagdaan ko riyan. Sa mga ganyang uri ng babasahin naman, walang masasabing kompetisyon.

Balita ko umalis ka na rin daw? Sigh. Mabuti na rin iyon, siguro. Hanggang sa muling pagkukurus ng ating mga landas kaibigan.