Usaping Halo-halo
Ipagpapatuloy natin ang makabuluhang pagtalakay sa isang mabigat ng panlipunang isyu. Ano ang nagpapasarap sa halo-halo? Simple ang sagot riyan, kinaskas na yelo. Kahit wala ka nang pakaong-kaong o panata-nata-de-coco, kahit puro saba, sago at ube lang para sa iyo ay halo-halo na, oks yun!
Basta iwanan ang dinurog na yelo, kahit pa na-blender o na-food factory iyan. Kinaskas na yelo o shaved ice ang magpapasarap talaga riyan. Yun bang tipong natutunaw talaga kapag nilalagyan mo ng gatas! Tipo bang nakikipagniig sa dila!
Wala lang. Malapit na kasi tag-init e. Naisipan ko lang na mas gusto pala talaga ang tradisyunal na halo-halo kesa blizzard.
Nga pala, kung nasa coffee shop business ka, huwag kang kukuha ng tao mula sa Dairy Queen. Hindi ako naninira. Pero naisipan mo na ba kung anong mangyayari kung kumuha ang Starbucks o Figaro's ng crew mula sa DQ?
"Dennis!" tatawagin niya yung pangalan mong nakapentel sa styrocup. Tapos itataas niya ang baso...
...at babaligtarin ito. Sa kasawiang-palad, iba ang "staying power" ng blizzard kumpara sa kape.
O isa pang ihahalo rito, mega-plug na naman ako sa Pansitan ni Ate Sienna. Ok ang sayt na ito. Magaling magsulat, magpakyut, at magpataas ng kilay itong si Ate. Bisitahin ang kanyang "discussion board" para sa huntahan. Ang kagalingan nitong si Ate e nasa pagpili ng kanyang paksain.
Nga pala, na-feature ang mga tekstong bopis sa kanyang Row Por isyu. Hehe.
Sa susunod na magbuhat ako ng bangko, hampasin n'yo na lang ako sa ulo. Ng bangko.
Naroon rin (at mas karapat-dapat naman talaga!) ang mga rebyu tungkol sa sayt ng katropa ko sa Susmariosep! na si CokeAddict at ang paborito kong all-Pinoy blogger na kilala ko lang sa Guniguni.
Inggit naman daw ako kina Mark at ang tropang nagkita-kita sa Powerplant. Kilala ko ruon ang kasusma(?) kong Taym Matsing at ang kablock (hehe) kong si Kantogirl.
Alam kong nakakairita ang sulating ito dahil nga halo-halo. Pero kung tyinaga talaga at binasa hanggang sa puntong ito, heto ang premyo.Kapag nakita nyo ko, haltakin nyo ko para ililibre ko kayo ng halo-halo.
Nanalo nga pala ako ng Revo sa Pamaskong Handog sa 7-11. Kung gusto niyo, tsek nyo pa sa inyong suking 24-hour convenience store kung sino ang hinayupak na nanalo ng grand prize.
Pero bago ang lahat, ihanap nyo muna ako ng mapagbebentahan. Kelangan ko ng pambili ng halo-halo nyo e.
***
Sa lahat sa gesbuk, hello! Kumander, saludo ako sa iyo. Sinulat ko na rin ito dito para matanggal sa isip ko yung isang bagay na di hamak namang mas malaki. Gusto ko kasing isulat e. Nasanay na ako sa blog. Pero bakit ba parang hindi ito ang tamang venyu?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento