Peb 10, 2002

USAPING HALO-HALO ULI

Lumabas na pala ang aking ikasiyam na artikulo sa Peyups.com. Salamat sa mga editor! Kaya ko binibilang kasi hanggang sampu lang ang plano ko. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam na ilalathala ang isang ito. Natagalan kasi sa paglabas e. Nauna pa yung isa. Siguro tinataymingan rin nilang wala na sa uso ang Nokia 3310.

Huh? Wala bang konek? Meron yan!

Heto ang walang konek. Nakapag-apply na rin ako sa wishlist ng Amazon.com sa wakas. Maglagay kaya ako ng shipping addy? Baka sakaling may magtrip, hehe. Sarap nito kung magkataon!

Ngayon at napag-uusapan na rin ang kape (opo, paraphernalia para sa kape ang nasa wishlist na iyan!), dumako naman tayo sa halo-halo (huh?). Ngayon at may ice shaver na kayo, ang susunod na prerekisito sa espesyal na halo-halo ay ang tinatawag nating "pinipig." Yun!

O di ba? Hindi na kailangan ng eksplanasyon. Pinipig. Amen. Sarap!

Pero tutal may pinipig na, bawas-bawasan na ang asukal. May angking tamis na naman iyan e. Tapos may iba pa namang halo tulad ng leche flan, ube at saba na may kanya-kanyang tamis. Gatas na lang ang idagdag. Kung trip talaga ang sobrang tamis, kondensada.

Baka masanay ako sa halo-halong pagsusulat! Pati yung bago kong mga ka-E-grupo sa Tinig.com, nadala na rin sa pagkain ang usapan!

Walang komento: