May 1, 2002

PaAlam

Tapos na ako sa http://tekstongbopis.blogspot.com.


Pero masaya akong maghiatus mula sa aking paghaha-hiatus upang ipangalandakan ang aking pagsakay sa maskuladong Dekarabaw. Narito na ang Bopis! Nasa malaking bandehado at hinihila papunta sa makamundo, maluwag, at malasapot na world-wide web.

Mula ngayon, lilipat na ang mga tekstong bopis. Hindi na ito lalabas bilang http://tekstongbopis.blogspot.com (mamimiss ko yung URL na yun...) at susulpot naman bilang http://bopis.dekarabaw.com. Marami pang mga bubusisiin kaya pagpasensyahan na kung wala pang gaanong nakahain.

Patuloy rin akong nagpapasalamat sa mga pihikan at masisibang mangangain at humihingi ako ng dispensa sa abala ng pagpalit ng URL. Sa mga nagbigay ng lagusan papunta sa hapag-kainan natin sa pamamagitan ng link, maraming salamat! Parang gusto kong puntahan ang mga templeyt nyo para hindi ko na kayo maabala sa pagpalit ng mga "a href" ninyo. Pero mapanghimasok naman masyado di ba? Kung nais nyong mag-update, aba, Daghang Salamat!

At kung nais ninyo akong sundan sa aking bagong tahanan... kita-kita sa patuloy na pista!