Isang makahulugang Araw ng Kalayaan sa lahat ng Pinoy! Maraming debate tungkol sa karapat-dapat na petsa para dakilain ang kasarinlan ng bansa. At sa ilalim nuon nananlaytay ang mga paninindigan tungkol sa kasarinlan at kalayaan mismo. Saan nga ba nagmula ito? Regalo lang ba ito ng mga Kano pagkatapos ng pagpapaubaya ng mga Kastila?
Nararamdaman ba ito sa lahat ng antas ng lipunan? Totoo ba ito para sa lahat ng kasarian, lahi, at relihiyon? Para sa lahat ng edad at propesyon? Para sa lahat ng nagtatanong at nanapantaha? Mayroon ba sa ating hindi alipin?
Gaano ito kakongkreto? Pwede ba itong bawiin ng mga nagbigay, kung ibinigay man? Pwede ba itong nakawin ng ibang tao, bansa, ng mga diktador, mga nanunungkulang magnanakaw, mga pwersa ng merkado, mga ispekulador, o mga abusadong amo sa ibang bansa?
Maaari ba natin itong ibigay o itakwil? Kapalit halimbawa ng pasaporte, ng kaisipang hollywood, ng pagtakas sa buhay sa kolonyang penal, o kapalit ng isa pang almusal? Kapalit ng edukasyon ng mga bata kaya? Para sila na lang ang lumaya?
Okey lang sa akin ang kalayaan. Iba talaga ang maging sarili at magkaroon ng kasarinlan na titingalain, isang pagiging sarili na hindi babastusin ninuman, maging ng mga nagmamay-ari nito. Maganda ito, matayog, at karapat-dapat na ipagbunyi.
Sana nga lang mayroon tayo nito.
"I will try to tell you a short story. Once when I was a little boy in that village where I was born, I dreamed that we could remake this world into a paradise. In such a world, there would be no darkness, no ignorance, no brutality to man by another man. In such a world there would be no inhumanity, no indignity, no poverty. In such a world there would be no deception, no ugliness, no terror. In such a world there would be mutual assistance, mutual cooperation, mutual love (and mutual existence between Christians and Muslims). This is the dream which has sustained me down the terrible years, and it is with me still; only it is more lucid now, more terrifying in its vastness. I would like to give you a glimpse of this dream some day."
Carlos Bulosan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento