Hul 30, 2002

Marami akong namimiss sa mga panahong ito.

Mga nakalipas na bagay. Mga hindi na maaaring bumalik. O mga kasalukuyang tibok na palaging nagpapabukas o nagpapahabol. Bakit ba hindi pwedeng ngayon na yan, dito. Pirmi kung saan di makakawala! OK lang yung mga lumipas na. Masaya na akong alaala sila. Mga patak na tuyo na sa semento, walang kabakas-bakas ng dati'y likidong katotohanan. O kaya'y masustansyang luha na nagpataba na rin naman ng mga kasalukuyang hardin, pinapansin man o hindi. Pero itong ngayon, parang nais kong ikahon, isilid sa mga tandang kotasyon para ako lamang ang makapagbibigay-kahulugan.

Pasensya na kung hindi masyadong malinaw. Magtatanong na lang ako. Anu-ano ba'ng namimiss ninyo sa ngayon?