Almusal At Iba Pa
Ansarap naman nito! Galing sa Bacolod si Ma, nagseminar sila ng mga kasamahan niyang maestra. Heto, andaming pasalubong, me piaya, barquillos, sarisaring kendi at minatamis! Sarap ng almusal ko! Nagtsamporado siya. Masarap magtsamporado si Ma, katamtaman lang ang tamis at tamang buhos lang ng cocoa. Pinatuluan ko ng malinamnam na evap. At anong kasama? Aber, hindi tuyo, daing, o piniritong galunggong! Danggit! Yeba!
Kaya yung mga taga-Bacolod dyan, dapat alam na ang ipapasalubong ha? Wehehe! Nag-uwi rin sya ng mga walang kamatayang keychain at beads. Kulit nung isang keychain na shell, ang nakaukit 'Cebu'. Ewan ko ba! Pero ayos naman ang pagkakagawa, palagay ko acid treatment ang ginawa run. Tsaka hindi naman akin yun e. Atensyon, mamanugangin, sa iyo raw yun.
Sa Sabado na ang huling araw ko sa klase. Magdiriwang nga ako e, magbababad sa mga isaw. Pero marami pang aasikasuhing papel, take-home exams, et cetera, et cetera, et cetera. Kaya sa bente-tres pa huling araw ko, kung tutuusin. Oks lang, marami namang kape at piaya rito e! Yeba!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento