Wala, mainit. Gusto ko lang sabihin na masarap sanang maghalo-halo. Oo, alas tres ng madaling araw pero naiinitan ako. Dalawang electric fan na ang nakatutok sa akin. Saan ba masarap maghalo-halo? Ayaw nung iba sa halo-halo ng Chowqueen kasi nasa ibabaw yung halo. E di haluin! Ano ba'ng paborito mong sangkap sa halo-halo?
Ako, yung yelo mismo.
May tinutunaw akong Coke. Hindi yung drugs. Yung coke as in coca-bola. Me makulit ditong nilagay sa freezer. E di syempre patay na fizz nun? Naalala ko tuloy yung mga 4-day old coke sa LB. Meron pa nga ilang linggo ko yata naiwan sa ref ng faculty yun. Ininom ko pa rin. Sarap ng asukal, grabe.
Dapat yata kape ang tinititimpla ko. Ayaw.
Nakapagbasa ako sa e-mail ng kabalastugan ng IRRI. Pangkalahatang background ko sa IRRI ay isang tour at orientation/film showing duon nuong grade three (yata) ako. Tapos duon kami kumakain pag okay si Red Mimi o kung dala ni Sir Pen ang anti-admin mobile. Masarap kasi dun sa canteen. Pang-foreigner ang quality. International ek nga di ba?
Maganda kasi kita mo yung mga sakahan atsaka may view ka ng bundok. O di ba Amorsolo? Pero syempre, kelangan lagpasan ang mga idyll, hindi ba Edel? Kaya naman naalala ko ang pinakamahalagang piyesa ng aking background sa IRRI. (Bukod pa ito sa mga lecture tungkol sa IRRI sa Center kung saan dati, tayo pa ang nagtuturo sa Thai. Oh well, Noel. Not anymore.) Isa iyong sanaysay ni Walden Bello tungkol sa mga kabalustugan ng gubyerno sa bigas.
Naeengganyo tuloy akong isama sa usapan sa klase ang IRRI. Mabalikan nga ang sanaysay at mapag-isipan ang mga posibilidad. Me bago na akong ipasasaliksik sa Critical Writing kapag nagkataon. Kapartner ng militarisasyon. At ang walang kamatayang semiotic reading ng cellular phone ads.
Heto kaya ang ipakritika ko. Tama bang kahapon, ang peting burgis na si ako e nagbasa ng Pedagogy for Liberation nina Paulo Freire at Ira Shor sa Starfucks kasama ang mga atenistang nag-aaral ng Law. Si Ma kasi gusto malamig. Nag-iced choco kami tulad nung nasa short story kong shit. Gumawa sya ng report cards dun. Kasama ang Mae na nakapula. Mano po? Ikaw ba yan Kris?
Tama bang mag-coke? E umaga. Hay naku. Kumpwede nga lang iboycott na'ng lahat ng yan pati kanin. Pati halo ng halo-halo nasa ibabaw.
Dapat dyan baliktarin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento