Hay naku. Kapag umuulan, bumubuhos. Nuong isang araw may isyu, nuong kamakalwa problema, kahapon peligro, ngayon lungkot, bukas ewan ko kung ano pa.
Ayan, tumutugtog ang "Freshmen" ng Verve Pipe dito sa Winamp sa internetan. Kanina "Paris" ng Chicosci. SA harap ko, may poster ang Le Petit Prince kasama ang matulis na alamid. Sabi sa baba: "On ne voit bien qu'avec le coeur. L'essentiel est invisible pour les yeux... dit le renard." Okay lang, kanina naman Aleman ang salitang inilahok namin sa burger, ketchup, serbesa, at yelo: "Schadenfreude."
Hanggang dito, magkakasama kami nina U at Amy. Malamang huling pagkakataon na ito sa kasaysayan na nasa isang internetan kami. Ano kaya, mag-chat kami? Hindi na. Kanya-kanyang tugtog at tipa na lang. "Walking after you" na ng Foo Fighters.
Huling klase kanina ng dalawang seksyon. Dalawa pa. Nagbigay na naman ako ng huling habilin na sana isnabin nila para lang maalala kung kailan huli na ang lahat at naluoy na ang kagandahan ng daigdig. Minsan kasi ang problema sa akin, ang kinakausap ko mata hindi tenga.
Nakakaengganyong manahimik. Kaso, mas madaling bumulong. Kanina, halos isigaw ko ang aking pusisyon para iparating sa isang espiya. Galaw niya. Minsan kasi, sa ayaw nila't sa hindi, ako ang bubuhos.
Kailangan naman kasi magkaruon ng kaunting sining ang pagkilos-kilos. Para naman ganahan ka pang sumabak kahit konti hindi ba? "Time of your life" ng Greenday. Hala, banat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento