Sa a-nuwebe
(1) May dating estudyante ako na kamukha ang lead singer ng Mojofly. Nagpapapayat siya, sabi ko huwag na at baka mag-iba ang mukha niya.
(2) Mahilig siya kay Neil Gaiman tulad ng karamihan ng estudyante ko na pinatawan ko ng parusang "Snow, Glass, Apples." Katunayan, naghahanap ako ng ayaw kay Gaiman. Hindi ko alam kung trip siya nung kaibigan ni Kantobabae na si B-. Sabi kasi ni B-, mukhang maglelecture daw sa UP Diliman. Hindi lang sigurado kung si Neil Gaiman o Neil Garcia. Baka daw si Neil Gayman.
(3) Tinext ako ni Sisterdear na pupunta nga daw si Gaiman, pero sa Makati. Sinabi ko sa kamukha ng lead singer ng Mojofly na pupunta si Neil Gaiman dito. Balita ko Huwebes daw sa Rockwell, a-nuwebe ng Hunyo.
(4) Registration duty ako sa araw na iyon, nagtext si Sagingducky. Halos kasunod lang nga ng text ng Sisterdear tungkol kay Gaiman.
(5) Kaya ang tanong ni Manong Hamlet: pumila o pilahan?
(6) Sabi ni Sagingducky okay magpapicture katabi ni Gaiman habang naka-dark leather jacket siya.
(7) Sabi ko astig na kasi sa akin ang Huwebes, napapamahal na sa akin ang araw na iyon, June Nine Sounds Fine, at hindi ko yata maaatim na makipagpalit ng registration duty kasi ayokong Wednesday June Eight o Friday June Ten magsimula ng taon sa Los Banos.
(8) Inisip kong maganda ring pakinggan ang Tuesday June Seven sa kabila nina Morrie at Brad. Hindi ko na ito tinext dahil pinahihirapan ako ng '7' button ng cellphone ni Ma. Pati ang '*' nag-iinarte na. At dahil mas maganda pa ring pakinggan ang Thursday June Nine.
(9) Nilalakad lang ang Rockwell mula dito. Ngunit mamasahe pa talaga ako pa-LB na para bang may tinatakasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento