Hul 21, 2005

Lunes

Lunes. Pinag-iisipan ko na ang Lunes sapagkat gusto ko at kaya ko. May Biyernes at Sabado ng sandamakmak na trabaho at pagtatahi ng mga landas ng Los Banos, Diliman, V.Luna, at sari-saring bahagi ng Makati. Hindi ko inaasahang huminga ngunit nakakasigurado akong nasa Lunes ang aking tutok. Walang mangyayari, walang mangyayari, walang mangyayari, sasabihin sa akin ng Linggo. Ngunit hihintayin ko ang ibubulong sa akin ng Lunes.

Lunes. Anuman ang aking maririnig, alam na ng diyos ng Martes ang kanyang gagawin.