Set 22, 2005

Ano ngayon?

"Pakyu ka! Ano ngayon kung makata ka?" sabay ngarat ng batang kalye na inaasahan kong may lalabas na uhog sa ilong pero wala. Gusgusin pa rin naman siya at maliit, maaari pang bugbugin.

 "'Lika nga rito, nasaan magulang mo, 'nyetang bata to." Pati mga nananahimik na naglalakad sa kalye, binabalahura. Hindi ko naman siya inaano.

 "Pakyu mo!"

 "Oy, magulang mo! Sira ka?"

 "Ikaw ang magsabi sa 'kin."