I do think the mighty stir made about scribbling and scribes, by themselves and others - a sign of effeminacy, degeneracy, and weakness. Who would write, who had any thing better to do?
Lord Byron
November 24, 1813
I do think on the mighty stir about effeminacy and effeminates, how this has become so much a sign of weakness and degeneracy. Ang macho ni Lord no? Lord Byron.
Tesis ni Leonard Shlain sa kanyang mabigat na aklat, The Alphabet and the Goddess, na may korelasyon ang pag-angat ng "male values" tulad ng logic, abstract reasoning, linearity, at lahat ng karumaldumalan ng patriyarkiya sa pagsibol ng alpbeto at kulturang imprenta. Nang maitakda ang batas mula pa sa panahon ni Hammurabi, babae agad ang sinikil. Bago nito, namamayani ang diyosa, intuwisyon, emosyon, pagiging sirkular, at lahat ng nurturing values ng babae.
Kakalabanin ito tiyak ng inihain ni Judith Pintar sa kanyang The Halved Soul kung saan sinagasaan niya ang mitikal na paghahati ng babae at lalaki, kahit pa iyong mabuti naman ang intensyon tulad nitong kay Shlain, na nagpapalaganap lang din ng problema. Kung gayon, hindi solusyon sa masculinity ang femininity, kahit pa anong sabihin ni Jung tungkol sa animus at anima. Pagtakas ito dahil inihahagis ng lalake ang kanyang problema sa babae o kawalan ng babae at ng babae sa lalake o kawalan ng lalake. Walang mabuting kahihinatnan ang eksternalisasyong ito. Harapin ng babae ang problema niya, ang lalake ang problema niya, tapos iwasang masaktan ang kabilang panig.
Marami pa sanang masasabi tungkol dito. Sa susunod na lang, papasok muna ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento