Abr 17, 2007

Static

Panaginip ng videoke. Malaki ang makina at walang tigil ang kanta at inom.(3) Hindi ko maalala ang imahe sa makina. May away na mula pa sa unang panaginip ko na hindi ko maaaring isulat. May dalang barena ang aking tiyo. Kaaway niya ang videoke na dinuduro niya ng barena. May lupa at ugat-ugat pa sa dulo ng barena ngunit kita pa rin ang tilos ng bakal. Nagstatic ang makina. Tuloy ang kantahan, medyo pabulong na nga lang. Todo ngiti(9) pa rin ang mga humahawak ng bote at mikropono. Galit na galit ang tiyo sa videoke.

Mga sipi:
3—Kadalasang mababa ang tingin ko sa mga kantahan at inuman. Kaya nga masaya ang mga gawaing ito dahil aminadong mababaw. Ngunit hindi ganito ang "saya" sa eksenang ito. Payapang uri ng saya. Malapit sa pakiramdam ng piknik sa maaaliwalas na umaga sa ilalim ng malayabong na puno.
9—Hindi ngiting aso. Tamang inumang ngiti. Hindi wholesome pero ngunit hindi kuntodo bangag. Natutuwa talaga sila sa kantahan. Kung natutuwa sila sa tiyo ko, hindi ko alam. Mula sa pagkakapanood ko, parang okey lang. Parang alam nilang naroon siya ngunit talagang ang kanta ang mahalaga sa kanila.

Walang komento: