ix. Palad ang kanyang instrumento sa pagdinig ng puso.
iii. Ginamit ni YHWH ang 22 titik upang buuin ang mga nilalang sa 3 antas ng uniberso - ang daigdig, panahon, at katawan ng tao.
vi. Ayon sa liksyon ng mga mata, ang unang 2 entrada sa taong target, mahalaga para sa mga asesino ang pagmanipula sa mga senyas.
viii. Pesos fuertes, o malakas na piso, ang pangalan ng unang salaping inilimbag ng El Banco Espanol Filipino de Isabel II noong May 1, 1852.
v. Ipinagmisa rin ng mga deboto ang 2 namatay sa pag-abante ng Itim na Nazareno.
vii. Bago ipinamalita ng kumpanya ng kape ang antioxidants bilang bentahe ng produkto, inilahok muna nito sa label ang paalala na "nakadaragdag ang kape sa pang-araw-araw na konsumo ng tubig."
ii. Kinakain na ng munting pating ang kanyang kapatid sa loob ng sinapupunan.
iv. Partie honteuse
i. Tinaguriang penoscrotal transposition ang kondisyon ng sanggol na nasa ibabaw ng titi ang bayag.
2 komento:
prof den, natanggap na yung antho..kinilig nga yung mga nakatanggap at gustong buksan at basahin. sabi ko sige, pagsaluhan natin. kasama ka ba dun? sana yung phoenix envy, envious kasi ako sa pagkasulat dun, rising from the ashes pa nga.
ayan nakarating! salamat ke manong sa LBC dahil kumuha pa ako ng 5mins+ mula sa lunch time nya.
meron nga ako dun at unang-una pa kasi alphabetical.
Mag-post ng isang Komento