Mar 20, 2012

Sapagkat sa tuldok na ito magsisimula


Sabi niya
            bawat pangungusap ay bintang
at naisip ko
            mahusay siyang magsalita
laging alam ng batang ito ang sasabihin tungkol sa daigdig
magandang mukha, malinaw na isip, kosmik na mga ideya
            Diyos ko, sabi ko

            tama ka      talaga ngang ganyan
sa panahong ito tuwing magsasalita ang mundo
                                                            panay paratang
ni isang minuto hindi ka maiwang mag-isa
lahat na lang kasalanan mo      ganyan ang mundo
Hindi sabi niya
            wala akong sinasabi tungkol sa mundo
            ang sinasabi ko ikaw
Oo sabi ko      ‘yun nga      mismo, ang ibig kong sabihin



Kasama sina:
Yasmin Alysa F. Tamayo, Kim Wilmer M. Balagot, Richard Q. Endaya, Maria Kathleen Paguio, Jumille Anne F. Gamis, Neil Clark V. Abelido