Nob 4, 2012

Sipi mula sa talaarawan

ni Witold Gombrowicz
aking salin


Naglalakad ako sa Plaza Sarmiento isang bughaw na dapit-hapon. Kakaiba bilang banyaga sa kanila. Sa huli, sa pamamagitan nila, nagiging estranghero ako sa aking sarili: dito iginagala ko ang aking sarili sa paligid ng Goya na tila isang taong hindi ko kilala. Itinatayo ko siya sa isang sulok, pinapaupo siya sa isang silya sa kapihan. Inuutusan ko siyang makipagpalitan ng mga walang katuturang salita sa isang nakasalubong na kausap at pinakikinggan ang aking boses.

Walang komento: