Ikuwento mo ang kulo ng tsokolate.
Nagunaw ang tsokolate, puti ang buto
sa lantad na loob, saka. Ayaw ko na.
Huwag mong isiping magkakasya tayo
sa mga biyak na simbahan. Aba aba.
Naging sining sila, alam ko, may pinag-
aralan. Obligado ba ako sa kumpisalan
porke hindi ako naluha, hindi ko batid kung.
Natiyempuhan ko siguro, may inapak-
apakang kuting.
Pinakitaan ka ng lupa.
Pinakitaan ka ng gising na lupa.
Pinakitaan opo ng lupang maalam.
At bakit hindi kayo, Carmen,
ano pong gagawin ko sa bitak ng retablo sa
habang. Ay ina, kalimutan mo na kaming
nilamon ng kumusta.
Kayo po itong nag.
Maingay alam mo, napakaingay pa rin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento