Nob 1, 2013

Kandelabra

Huwag mong hipan ang mga yan.
Bakit po?

Bawal.
Bakit bawal?

Mga pangarap yan.
Ano yung pangarap?

Po.
Ano yung pangarap po?

Huwag paglaruan sabi.
Uwi po natin yung mga parang luha.

Mas lalong malas yun.
Tas tunawin natin sa bahay.

Gagawin nating bulaklak?
Magandang floor wax daw,

sabi ni Ma. Di ba po sinabi ko na po
kung nasan na po ang Mama mo?

At nakintab na po siya roon.