Mar 30, 2014

Aking kalahati ng maigsing palitan hinggil sa "Good for Nothing" ni Calvino



—mahusay na napansin mo ang detalye! naituro ko na ito sa apat na large class, kasama itong sa atin, at wala pang nakababanggit ng tago ngunit mahalagang bagay na iyan kahit sa mga journal nila/ninyo. kung mas mahabang panahon sana ang nailaan ko sa pagturo nito, baka naitutok ko ang tanong sa identidad ng estranghero. (kung gayon, sino na siya sa palagay mo?)

salamat sa pagsabi nito sa akin. akala ko tapos na ang mga surpresa at magagandang balita mula sa inyong partikular na klase. ansaya ko naman sa mensahe mo.



—malapit ka na. clue na ang kanyang pananamit. kung tama ako, halos nabanggit ang pangalan niya sa kuwento mismo!

grabe talaga nga ang 'pressure' na ito. hindi pa ba sapat ang mga 'kailangan' nating malaman at dapat pang aralin ang mga bagay na maiaasa naman sa iba?

at dahil sa usapan nating ito, parang gusto kong gawing 1st reading ito next year...

Walang komento: