Hun 26, 2014

At habang-buhay silang makakakain

Sana mas pangit ka na kesa nung huli tayong nagkita.
Mahirap na, malinamnam kang kausap pero
bigay ng mangingisda: uy, may sabit;

huwag ka namang darating na sugatan...
Ganda na nga nitong sitwasyon di ba,

kinukulong ang dapat ikulong...
sige na, hindi perpekto: may piyansa,
may lindol at hindi sila ang episentro.

Kung bibisitahin mo ako sa ilalim ng lupa
huwag ka nang magpaganda. Ikaw,
ang walang maliw na ikaw. Mahal ko.

Dalhin mo ang lahat ng pekas at kaliskis,
at ang blusa ha, yung payak at amoy insenso.