walang anu-ano'y
pinasuso mo ang aking tenga sa tibok ng iyong puso
. . . mads naman / Makinig ka
ipagpalagay nating kabibe ito
at abot-hangin lamang ang himig ng alat
samantala, kung relo
isa-isa nitong tinatapos ang ating mga pinupunterya
Kinukuha sila, at hindi ibinabalik
Sandali na lang ako / ano itong umiihip
at bakit hindi na kita maaaring kalimutan?
/ Makinig ka sabi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento