Ago 28, 2014

At nasaan na kaya ang tinuring mong kayamanan

mga liham ko sa iyo bago kita pinagtaksilan at
pagkatapos, ang ilang piling pagsusumamo:

a) naka-scan sa hard drive ng tatay mo, b) ibinugkos
ng lasti, nakasuksok sa kawayan ng

lelang, k) abo

ang dadalawang totoo sa aking mga salita;
kaunting hiling ko noon ay dali-dali mong ibinibigay.