ni Octavio Paz
aking salin
Isang mahaba at tahimik na kalsada.
Naglakad ako sa kaitiman at nadapa ako at bumagsak
at tumindig, at bulag akong naglakad, ang aking mga paa’y
umaapak sa mga tahimik na bato at tuyot na dahon.
May kung sino sa likuran ang umaapak din sa mga bato, dahon:
kapag binabagalan ko, binabagalan din niya;
kapag tumatakbo ako, tumatakbo rin siya. Paglingon ko: walang tao.
Karimlan ang lahat, at kawalan ng pinto.
Paikot-ikot sa mga sulok na ito
na walang patumanggang nanunumbalik sa kalsada
kung saan walang naghihintay, walang sumusunod sa akin,
kung saan hinahabol ko ang isang taong nadadapa
at tumitindig at nagwiwika tuwing ako’y nakikita: walang tao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento