May 5, 2015

Die Philosophen


...haben die Welt nur verschieden interpretiert; 
es kommt aber darauf an, sie zu verändern.
—Karl Marx, "ad Feuerbach" 

hanggang ngayon
naipaliwanag pa lamang ang daigdig sa iba't ibang paraan
ang mahalaga ay baguhin ito

hanggang ngayon
nakabuo pa lang ng sari-saring pagkakabatid sa mundo
gayong ang kailangan ay ilihis ito

hanggang ngayon
kanya-kanya pa rin lang ang interpretasyon sa mundo
modipikasyon sa mundo ang importante

hanggang ngayon
ang mundo ay nabigyang-kahulugan pa lamang
sa pamamagitan ng ilang pamamaraan

ngunit karapat-dapat na ito ay pagbutihin
hanggang ngayon
may iba't ibang lapit sa pagkilala sa daigdig

gayon man ang mainam ay kung mapapaigi ito
hanggang ngayon
nalapatan pa lang ang mundo ng magkakaibang pagturing

makabuluhan sa bagay na ito ang pagwawasto
hanggang ngayon
napangatwiranan pa lamang ang daigdig

gamit ang mangilan-ngilan ding pambihirang paraan
bagamat ang paksa ay ang mga pagsusog dito
hanggang ngayon

naipahayag pa lang ang sari-saring turing sa daigdig
pangunahing bagay ang pag-iba sa daigdig
hanggang ngayon

iniintindi pa rin ang mundo kumporme sa maraming diskarte
pero rebisyon mismo ang punto nito
hanggang ngayon

pinangangatwiranan pa rin lamang ang mundo
sang-ayon sa kung ano-anong metodo
ngunit ang layunin nito ay mapalitan

hanggang ngayon
inuunawa pa lamang sa iba't ibang paraan ang daigdig
nasa pagbago ng daigdig ang saysay

Walang komento: