Ene 17, 2016

Plena

ni Frank Lima
aking salin


Buong araw akong naglalarong kunwa’y nalulunod
hinahanap-hanap ang usok
ng mga pilikmata at kupas na buhok
ang mga lilang anino ng dugo
at ang mga nalalabing guho ng kape
pero sa gabi
napapanaginipan ko ang huling pantig
sa puso ng aking ina
ang huling pulang kataga sa kanyang mga baga.