—
—
—
Itong pagpapayaso ni Goldsmith ang kasong naiuugnay ko sa kasalukuyang isyu. Bukod dito, naaalala ko ang isang workshop night sa QC. Nakasalang ang isa kong akda, naka-set sa nudist camp, may Bly intertext, at kung kailangan ng social valency ay sige, may kung anong tinatalakay sa kasarian. Anything goes naman noon at walang hinihiling na tema. Tas bigla akong hinanapan ng mga ganito ng isang kasama, inilista pa sa amin ang mga ipinaglalaban ng kanyang mga drama, ang kanyang mga goals and objectives. Hindi ko magawang makalimutan dahil cute ang tono niyang profound.
Naaalala ko rin dito yung pinunupunto mo dati sa isang (deleted?) BBM-related status post tungkol sa original sin bilang analohiya o walang pinagkaiba sa historical culpability (kung gayon, mukhang Judeo-Christian ang frame ng paniningil mo rito). Kung dito magsisimula, mapapansin nga ang bleach effect ng othering na nagaganap. Hindi naman ang self-awareness ang maghuhugas ng kamay kundi ang praktis. Kaya’t mahalagang malaman kung naive ba o pa-naive ang mga bitaw na gaya nito: “In other words, the novel is about a world that has nothing to do at all with me or my tribe.”
Mahalaga pa ring buuin ang proyektong ito, ngunit bago ilathala, maaaring pag-isipan kung majujustify bang talaga ng discursive provocation (na posibleng spurious solidarity na maaaring maging ambag sa sistemiko na nga’t pang-araw-araw na karahasan sa antas ng representasyon, identidad) ang projected na kikitaing symbolic capital ng may-akda.
—
Salamat, at natagpuan ko uli itong BBM post! Oo sa lahat ng punto, dagdag lang na kapag hindi iginitna ang historical culpability (gaya ng iyong payo) ay tuluyang mawa-whitewash ang patuloy na pakikinabang ng mga next generation at the expense ng mga nirerepresent. At hindi simpleng commercial/monetary lamang ang form ng pakikinabang ng isa na siyang kaugnay sa “paglalapastangan” sa kabila (Foucauldian asymmetry of/as power).
Kailangang makita na isang worthy (at inherently fictional, literary) project ang pagkilala sa mga kaiba sa atin. Step into shoes, by all means, but without stepping on toes. Cautious lang tayo rito. Kaso, kahit lang sa limitadong espasyo ng sanaysay ni Ortega ay tunay namang makapaglalatag na ng kritik dahil may ilan na ngang problema. Bukod pa ito (kahit kaugnay) sa pagbabasa sa ipinapangakong nobela.
—
Matindi ang ambition at peril. Matutuwa ako kung lalabas na maganda at talagang mapagpalaya ang nobela (at kung poproblemahin nito ang mga kasalukuyang paraan ng pagtimbang ng “emancipatory”). Kaso sobrang letdown (wow, understatement ang letdown) kung idadagdag lang ito sa lista ni Ortega ng mga nagawaran ng mga award at mention at grant (symbolic capital) KUNG wala namang magaganap na pag-usad ng diskurso maliban dito sa I’m as other as could be from this other but so are the Americans aaiight? My novel won’t block future novelists. My novel won’t hurt.
—
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento