Kailangan pang magparami ng katakataka lalo’t kapakipakinabang. Marami-rami na namang ashitaba kaya itong katakataka muna. Ngayon magandang ikalat dahil bagong gamas. Puwedeng doon maglapat ng dahon kung saan nadisgrasya ng mga manggagamas ang mga sibol ng sampalok. Sa ibang puwesto na lang kaya yung bromeliad, pero maganda nga sana roon kasi malago ang tanglad. Pamigil sana, sakali mang manganak ng lamok mula sa pusod ng bromeliad. Tabihan na lang siguro ng isang latang tanglad (at/o oregano) kung saan man mag-iiwan ng bromeliad. At ugaliing palitan ang tubig sa bromeliad tuwing nagdidilig.
O doon na nga lang mag-bromeliad kung saan may pirmi nang tanglad. At ilapat na lang ang katakataka sa paanan ng lalaking papaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento