ni D. Nurkse
aking salin
Hinintay kita bilang bata,
kinakabisa ang mga gasgas ng singsing
sa bubog na hawakan ng pinto
hanggang wala na akong inaasahan,
sa lalim ng gabi
at hindi ko na inaasahang ako pa rin ito
sakaling bumukas ang pinto.
Ngayon ka narito
sa kabilang dulo ng aking buhay
at ikaw ang katahimikan ng silid,
ang liwanag na humahagod sa mga dingding,
ang mismong lagnat,
hindi na lamang ang aking ama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento