ni Laura Gilpin
aking salin
Sa anim na binhi ng mais na aking ipinunla,
aapat ang sumibol, at sa apat na iyon,
dadalawa ang nabuhay, at sa dalawang iyon,
mas matangkad ang isa.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
ni Laura Gilpin
aking salin
Sa anim na binhi ng mais na aking ipinunla,
aapat ang sumibol, at sa apat na iyon,
dadalawa ang nabuhay, at sa dalawang iyon,
mas matangkad ang isa.
Tumatanda ka.
Minamahal mo lahat.
Pinapatawad mo lahat.
Iniisip mo: mga dahon tayo,
Mga kinakaladkad ng gulong.
Biglang may isang maringal, batik-batik
at dilaw—ay, pagtangi!
At sa sandaling iyon
Ika’y kinaladkad pailalim.
ni Barton Smock
aking salin
aba’y kahit diyos / iiwan / itong simbahan
upang tapakan ang mga buto ng bituin
Daluyong ng lumbay,
Huwag na akong lunurin:
Ang pulo’y natatanaw
At tila parating pa rin.
Ang pulo’y natatanaw
At kay rilag ng buhangin.
Daluyong ng lumbay,
Ako’y doon dalhin.
Wala nang dahilan
para magbilang pa
kung gaano nang katagal
noong narito ka
at buhay isang umaga
na tila aking
pinawawalan ang pisi
ng saranggola kada araw
unti-unti sa aking daliri
habang wala namang pisi