Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Tumatanda ka. Minamahal mo lahat. Pinapatawad mo lahat. Iniisip mo: mga dahon tayo, Mga kinakaladkad ng gulong. Biglang may isang maringal, batik-batik at dilaw—ay, pagtangi! At sa sandaling iyon Ika’y kinaladkad pailalim.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento