Ipinapakita ang mga post na may etiketa na girmay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na girmay. Ipakita ang lahat ng mga post

Mar 25, 2021

Ars Poetica

ni Aracelis Girmay
aking salin


Nawa’y ang mga tula’y
maging bakas ng munting kuhol.

Saan man ako magpunta,
kada pulgada: tahimik na talaan

ng pilak na dasal ng paa:
            Minsan akong nabuhay.
            Salamat.
            Dito naganap.