Ipinapakita ang mga post na may etiketa na javar. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na javar. Ipakita ang lahat ng mga post

May 8, 2025

Trigger Warning sa Dalawang Nakaitim

Katawan ang ating babasahin. Sapat na sana ang babala. Huwag nang magpatuloy, please, kung hindi kayang sikmurain kung bakit may maaalwan na buhay. Halimbawa, mababanggit ang pagpapatiwakal hindi dahil uminom ng muriatic si Liliosa Hilao sa palikuran ng mga lalaki, kundi dahil ito ang iprinisintang dahilan ng militar, sang-ayon sa kuwentong nalulong siya sa droga, kalakip ng kanyang katawang ibinalik sa pamilya, Abril 1973. Disyembre 2016, pneumonia naman daw ang ikinamatay ng siyam na anyos na si Lenin Baylon.

Babala rin sa aking sarili, na nagpapatumpik-tumpik pa bago magpatuloy. Paanong kasaysayan ang nag-uulit sa kanyang sarili samantalang ako itong nauutal? Pinainom ng truth serum si Liliosa Hilao. Ayon sa awtopsiya, makailang ulit siyang tinortyur at ginahasa. Ayon sa awtopsiya, tinamaan ng bala si Lenin Baylon. Katulad niya ang ilan pang may bala sa katawan pero pneumonia o sepsis ang ikinamatay.

Dalawang linggo bago sana grumadweyt ng cum laude, kursong Communication Arts sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Abril 1973. Disyembre 2016, tatlong araw bago sana ipagdiwang ang ikasampung kaarawan.

Sa tambalan at tunggaliang Marcos-Duterte, binabanggit ang posibleng kamatayan ng Pilipinas. Maaari raw siyang ipapatay, ayon kay Duterte. Matatamaan daw ang mga Marcos, kung sakali. Handa nang mamatay sa bilangguan si Duterte. Sa sinag ng kamera, nakasuot ng itim ang mga katawan nina Marcos at Duterte, buong-buo, may isang 46 anyos at may isang 69 anyos, humihinga, at hihinga pa rin bukas.


_________________________
Javar, R. C., Asuncion, R. J. A., Tugano, A. C. J., & Santos, M. J. P. (2022). Liliosa Hilao. In 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (pp. 139–143). essay, Limbagang Pangkasaysayan.

Lopez, E., Lema, K., & Baldwin, C. (2022, June 2). A pathologist, a priest and a hunt for justice in the Philippines. Reuters Investigates. https://www.reuters.com/investigates/special-report/philippines-duterte-death-certificates/

Abr 24, 2025

Bamboo Telegraph Boy

Why yes, in one such epic, a bolo shines, singing as it slashes. In another, two equally graceful heroes clash for three years without letup, breaking only for lunch and weddings, for moments of marveling at each other, forgetting arrears, inspiring harvests.

From yet another, a boy rolls wartime messages into cuts of bamboo, flits from guerilla camp to guerilla camp, matures into a leader of leaders, facing uniforms seeking to upturn homes and desecrate graves. Sharp and polite, he rejected offers—women, power, and a fat envelope of cash—his iron discipline acknowledged one night by a shower of fire. In perhaps the most famous of these epics, a diver completes a jigsaw puzzle of bones. A dog growls and barks, a rooster flaps its wings and crows. They rebuild a house. They retrieve a hero from the land of the dead.

After decades, we unroll a small message. Blood says no to everything. Save for assembling and singing and dancing. Redeeming all we cherished, all we lost.
Sa okasyon ng Cordillera Day, saktong 45 na taon makalipas ang pagpaslang kay Macli-ing Dulag. Inspirado ng bansag na “bamboo telegraph boy” sa pahina 99 ng 50-50: Talambuhay ng mga Pangunahing Personalidad ng Batas Militar (2022) nina Roderick C. Javar, Ruben Jeffrey A. Asuncion, Axle Christien J. Tugano, at Mark Joseph P. Santos.