Mga Mundo
Hay naku, cliche na kung cliche sa malasapot na daigdig na ito, pero uulit-ulitin ko pa rin, kayliit ng world-wide web! Mukhang may kakilala na naman pala ako na kakilala rin ng isang kakilala ko. Medyo nakakaintriga talaga! Hinihintay ko na lamang ang huling kumpirmasyon. Kalahok pa naman sa masalimuot(?) na istoryang ito ang isa sa aking pinakapeborit na mambablag, si Kris. Totoo kaya o isang guniguni lamang?
Sa kahihintay sa mga Goons, napagbigyan ko tuloy ang hinihiling na mga libro ng mga kapatid ko, ang 1984 at Animal Farm ni George Orwell. Hindi naman nila pinapangarap basahin, talagang kahilingan lang sa mga kurso nila. OK na rin at maumpisahan na ang edukasyon ng mga tsikiting. Hala bira!
Natuwa yata sina Lisa at Jess sa Peyups fair. Buti naman! Ako babalik rin sa susunod na taon. Hahabaan ko ang pagpirmi sa fair grounds at baka sakaling maging singsaya nila ako! Pero ang susi naman sa ganyan palagi e tamang kasama!
Ria hindi ako ang nagalagay ng link mo! Magandang balita ba iyon? Sana nga! Rosally, Carol, Jen, at Cecile, salamat sa pagdaan! Pasensya na sa pananagalog ko. Mas mabubuwang kayo kapag narinig nyo ang Cebuano ko. Hay, baka patayin nyo ako sa pagmamurder ko sa marangal na wikang iyan!
Hayaan na lang nating "ambot sa imo" na lamang ang gamitin ko dito.
Maya-maya, Binangonan, Rizal. OK kaya ruon? Kapag nagkataon, ito ang magiging nexus ng aking mga mundo. At duon, kung pagpapalain, hindi ako iiwanan ng maalindog na Musa. Kagandang pangalan lang talaga. Binangonan.
Pagkatapos ng lahat ng pagkakagapi, isang bagong simulain.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento