May 7, 2002

Mainit-init pa, lumabas na po ang Tinig v.14! Maraming tula, artikulo, at balitaktakan. Ayoko kayong pangunahan kaya't kung ok sa inyo, daan kayo ha? Pinopromowt ko rin ang proyekto ng Binibini laluna ang artkulong "Hindi Biro". Iyan kasi ang pampasinayang artikulo ng Musmos e. Ewan ko ba pero malapit sa puso ko ang blog na iyan (na mas napalapit pa dahil kapitkwarto ko na rin ito Dekarabaw!).

Antabayanan ang susunod na tekstong bopis. Dahil matagal na akong hindi nagrerebyu (sa totoo lang, nagrereact) sa mga akdang pampanitikan, maghahain ako ng isang artikulo tungkol sa isang librong matimbang para sa akin. Latin Amerikanong panitikan naman. Tulad ng karaniwan, madaldal ako ruon. Sana magustuhan ninyo. Sa ngayon, maligayang pagbabasa!