A Report
The posts progress, that is, if you can see these in a state of progression. I do not claim they get any better. I say only that more and more words come, one after the other.
That may be progress but not in the sense of them leading somewhere. I must mean progress in the sense of all these words leading away from you; clauses and paragraphs take me steps and leaps away from your name or from every between-the-lines, every namelessness, where truly your name resides as a half-breath or a sigh or an asphyxiation, that is, a violet-faced suffocation that I must, must, must overcome, gasping, with another line. With more coinages and phraseologies.
However, here again, I mention you. Now, therefore, definitely, I doubt any new development.
Tinadtad ang mga ideya at isinahog ang kambal-dila para sa salusalong ito. Sana may sustansya. Masimot man o hindi, tanggapin ang aking pasasalamat sa iyong pagtikim.
Hul 31, 2004
Hul 29, 2004
Mula sa ngiti mo, Srta Gomez
Mahusay ang mother-of-pearly-white ngiti mo, totoo, nakakaengganyo. Tila napakadaling lunirin ng mga paniniwala kapag sinabi mong hindi mo naiintindihan ang mga pinagsasabi ko. Ngayon, habang nakatutok pa rin sa maayong gaslaw ng mga labi mo, nararamdaman kong hindi mo binitawan ang gayong salita upang matutunan ang anumang binubuhat kong ideolohiya. Iyon ang husgang ipinarating mo para tuldukan ang aking talata, para pigilan akong pumalaot sa peligrosong ilog.
Magpapaiwan ka sa pampang kung magpupursigi ako, hindi ba?
Tuldok ang iyong ngiti - puti't rosas na tuldok.
Hindi mo ako naiintindihan sabi mo.
Tamang pula kapwa labi mo - hindi nagsusumigaw, hindi bumubulong.
Hindi ibig sabihing tanggap mo ang kahungkagang ibinibintang ko sa iyo.
Ayan, may mga biloy ka pa sa pisngi - malalalim ang dimples mo, parang marahang hinukay sa iyong malagatas na luwad.
Ibig sabihin, hindi dapat pagsayangan ng panahon ang anumang katotohanang minana ko mula sa paghihirap at pag-aaral ng mga nuno.
Masarap manahan sa mga labi't pisngi mo - kapag ngumingiti ka, namimilog ang mga pisngi mo, halos yakapin ang iyong naniningkit na mga mata.
Ibig sabihin, hindi mo ako iintindihin.
Punyetang prinsipyo nga, tama ka, okay ka, giggles-giggles ka pa, nakangiti ka na nga. Hay naku, bakit ikaw pa ngayon ang diretsong nakatindig, walang bali sa ritmo ang paglakad sa pampang?
Sige, Srta Paulita, salamat sa ngiti at sa humahapit na tamis ng iyong namamaalam na tinig at titig. Sisisid na lang ako palayo mula sa iyong malaperlas na ngipin.

Hul 26, 2004
Unang Liham
Magandang umaga, Elias. Sana magaganda rin ang umaga ng ibang tao bukod sa akin. Ngunit malabo namang ipwersa ko sa kanila ang pakiramdam na ito. Kaya ako na lang, kahit sana sila rin.
Oo, masaya rin akong narito na si Angelo dela Cruz, isang matunog na pangalan na nakawing sa aking lalamunan at laman-loob. Buti ligtas na siya kahit alam ko ang singil nito sa bayan natin. Magandang malaman na may halaga pa rin ang isang buhay kahit na kailangan pang naihandusay ang indibidwal sa midya at gamiting simbolo ang kanyang pagkatao.
Katulad ng ginagawa ko ngayon, marahil, isa ring pananamantala sa isang inabusong pangalan. Syempre, modernista ang yabang ko ngayong umaga. Emansipasyon, emansipasyon, enlightenment na enlightenment ang dating. Maaaring mali ako at bukas sa lahat ng uri ng pagbabasag at dekonstruksyon mula sa iyo. Maaaring isang tinig rin lang na walang saysay sa pangkalahatang ingay ng daigdig. Ngunit hindi naman pwedeng manahimik palagi, laluna't pinupuno ng kasinungalingan ang katahimikan. Kaya, tulad ng kakarag-karag na dyip, mababasa sa aking balat at dila ang horror vacui.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga kababayan natin na may ganansyang pulitikal ang pangulo sa kanyang salitang palayain si G dela Cruz. Mababasa sa lahat ng imahe sa midya at mga artikulo. Ayan, malaking ngiti ang dyosang tumatanggap ng pasasalamat. Nakakatuwa (maganda talaga ang araw), nakalimutan yata kung sinong napaka-'willing' na nagbukas ng pinto papuntang Iraq.
Mamaya, sigurado, gagamitin rin sa SONA ang pangalan ng manggagawa. Paano pa nga ba, nakasalalay ang ekonomiya sa mga migranteng trabahador. Tamang tanong nga ba ang 'paano pa nga ba'? Kailangan bang tanggapin ang lahat? Ramdam naman nating pare-pareho ang pulso na ibalik si G dela Cruz at ang iaba pang nasa tiyak na peligro. Alam naman ng lahat ang pakiramdam ng lahat. Sapat na ba iyon?
Mas mahalaga ang imahe at pangalan na nasa harap ngayon ng bayan. Ibabalandra ng mga makakanang kritiko ang katotohanang ipinahamak ng desisyong palayain si G dela Cruz ang lahat ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa. Sang-ayon ako rito. Ipinahayag mo na nga namang magagatasan ang kabang-bayan ng sinumang mangangahas na hawakan sa leeg ang isang Pilipino. Tapos, magbantang pupugutan ng ulo.
Ngunit argumento iyan ng epekto, isang sapantaha sa mangyayari sa hinaharap. Bakit sasabihing mas matimbang ito sa isa pang argumento ng epekto dati na huwag buong-buo at hubad na hubad na makiisa sa desisyong rogue ng Estados Unidos na sumalakay sa Iraq? At ngayong napatotoo na nga ang sandamakmak na I-told-you-so ng mga kritiko, e di naniwala na ang gubyerno na hindi pork may superpower na isa, isa lang may kapangyarihan? Ayan, kalat masyado ang kapangyarihan para buong-buong sumanib sa anumang diyos-diyosang dayuhan. Kapag isinanla mo ang iyong sarili, sarili mong dugo ang sisingilin sa iyo.
Ikinawing ko ang bituka ko kay G dela Cruz at inisip ko kung maituturing ba siyang bayani katulad ni Flor Contemplacion kung hindi siya namatay. Sa inyong palagay? Kung namatay kaya siya, makatotohanan bang tawagin siyang bayani?
Sa akin, ang tanong na mahalaga, makatwiran bang isabak sa labas ang mga mamamayan para sa kukurakutin rin namang mga dolyar at ipambabayad ang sukli ng mga matataas sa utang na hindi atin at hindi mababayaran hanggang magkamilagro o magunaw ang mundo at kapag nabuhay sila e di masaya pero kapag namatay gawin na lang nating bayani para may nagawa namang kataas-taasang kabutihan ang pamahalaan?
Halimbawang nalagay sa alanganin pero nabuhay, ituturing bang bayani? O gubyerno na lang, ang butihing ina ng bayan na tagaligtas?
Hindi naman ito bahagi ng umaga, di ba? Hindi naman natin desisyong ipadala si G dela Cruz. Ngunit sa pangalan natin ginagawa ang mga desisyong ito.
Pangalan lang naman.
Bakit mag-aalala pa tayo, Elias? Hindi naman tayo ang tutubos, puprotesta lang o manonood sa telebisyon kasi tapos na, nakaboto na.
Isyu lang naman.
Bakit pag-isipan pa natin? Hindi naman ulo ko ang nakasalang sa katayan, at milya-milya naman ang layo, hindi naman siguro aabot ang tilamsik dito, kaninumang ulo iyon.
Sa kapatid ko lang naman.
Bakit pa pagsasayangan ng laway? Tapos na, ligtas na, may bayani na mag-uusal ng kanyang State-of-the-Nation-Address.
Bayan lang naman. Pilipinas lang naman.
Maganda ang umaga. Elias?

Hul 24, 2004
Makuha sa Tingin
Bakit ka nagtatanong-tanong tungkol sa akin? Bakit hindi ako ang tanungin mo, harap-harapan? May gusto ka bang malaman? Lagi kitang nasasalubong sa mga koridor ng labirinto, hindi ka naman nagsasalita. Huwag mong akalaing madadaan mo ako sa pungay ng malalaki't nangungusap mong mga mata. Kapag hindi ka nagtigil sa pag-uusisa, tarsier ka, dudukutin ko kapwa ang mga iyan. Hindi mo ako makukuha sa tingin.
At ikaw, ikaw ba ang nagpapatanong tungkol sa akin? Bakit hindi mo ako tawagin at kausapin, tao mo ako di ba? Hindi ka pa ba masaya sa mga dinagit mo mula sa aking pangangalaga? Akala mo ba tapos na ako sa iyo kaya napakagaling mong ngumiti? Napakalapot pa ng laway mo. Huminga ka na sa espasyong ito at manahimik, kung hindi, gagagawin kitang ulol aso ka. Hindi mo ako makukuha sa ngiti.
Ikaw naman, bakit ka nanduduro, pinapakain mo ba ako? Mga magulang ko nga hindi ako dinuduro, akala mo palalampasin kita? Kung hindi mo naiintindihan ang mga puwersang katabi mo na, ano pa ang silbi mo? Wala akong paki kung kanino kang sugo. Lumagay ka sa lugar at dumistansya ka kung hindi makukuha mo ang nararapat sa iyo. Hindi mo ako makukuha sa daliri.
At ikaw, pinakamatapang sa lahat, bakit ka lumalapit? Naiintindihan mo ba ang pinapasukan mo? Alam mo ba ang lahat-lahat ng dapat malaman sa akin kaya't napagpasyahan mong tingnan ako nang ganyan at tanungin ng mga matatamis na walang-kapararakan? Lumayo ka na hanggang maaga at maagap. Hindi ako karapat-dapat. Hindi ako maaaring makuha.

Hul 3, 2004
Name of the General
Last night, while between two friends and the moon, my thoughts fell again on the fortunes of my surname.
Back in the blue shorts, knobby-kneed days, it felt good to have the surname of a hero, the first President. In the entire batch at the elementary school, only one came close to my 'Aguinaldo' with his surname of 'Apolinario'. He came next to me in the roll call. His name didn't cut it though, not being a 'Mabini'. Yet, I wonder if he ever enjoyed such a contemplation of his name as I have. This dawn, I think about how living with such names might have affected us. How would I have grown were I a 'Cabantoc', 'Alcala', or 'Fuentes'? Would I have been as sensitive to history and the discourse of nations? Would I have loved stories as much? Would I like five pesos any less? Would I have so detested a flat top? Would I have even begun writing? These questions taste like valid mind candy at the moment although the current speculations, I know, won't bear the fruit of certain answers.
My classmates back then automatically assumed that I came from Emilio's line. A couple of priests actually asked and I said I don't know. It didn't occur to me then to ask my parents. Like most kids at the time, I read the colonial past as if these were many centuries removed from the present with all the snaking links to those personages buried in the dust of archives, blurred, maybe non-existent. History as a subject felt like a world all its own, floating pages irrelevent to the non-Spanish present.
When I studied in high school, someone whispered that Aguinaldo killed Bonifacio. This felt like the blasphemous joke boys make, so I ignored it. For some reason, I felt more keen on Rizal than any other hero, and Aguinaldo already felt too flat a character compared to the manifold dimensions of the novelist. I read world history much more intensely, following Charlemagne and Pepin and the Popes even when the teacher didn't cover these chapters. I understood that I loved those unassigned chapters because nobody required me to memorize the dates, and I could follow the story lightly.
I ascertained that Aguinaldo commanded the execution of Andres and Procopio Bonifacio when I took History courses at the University. Teodoro Agoncillo took me to that unfortunate hill. Agoncillo, as the devotees of history know, wrote with partiality regarding Aguinaldo, there being blood ties between them. In his account, the elite forced Aguinaldo's hand against a mad Bonifacio. Revolutionaries took the captive brothers up the hill, opened sealed instructions, and read the order of execution. Upon hearing this, the Bonifacios fell to their knees and begged for mercy, then they up and ran and got shot before they got far.
In Cavite, I hear that tales survives with a different account of the moment. Professor Q says that there may be truth in this version, and if the grain were followed and proved, various problems would issue forth, the ramifications relevant to any current question of nation-building. According this Caviteno lore, Aguinaldo had his Magdalo torture the Bonifacios. The brothers were brought up the hill already crushed. Then, the executioners did not merely shoot them down. They slashed them with bolos and chopped them to pieces.
Today, I have a richer story of my surname than my previous 'I don't know'. At the wake of my grandfather's sister, an elder of another family told the story of the remaining Aguinaldos of Rizal province. My silent grandfather's father was a fiery mestizo named Tomas Aguinaldo who transplanted himself from Tanay to Quisao in Pililla. The elder called us 'of the brave strain' because of Tomas's family. At the height of Emilio Aguinaldo's notoriety, the Aguinaldos of Rizal changed their surnames so as not to be associated to the primary figure of the revolution. All except my forebear.
I end my meditation with three points. First, the open question of how different I could be without these stories of my roots. Second, the logical words that every individual must have a king and a slave in his lineage; therefore, most other binary oppositions also mix in our ancient veins, such as the twin bloods of heroes and cowards. Lastly, I base both comfort and duty on the words put by Rizal into the tongue of Pilosopong Tasyo; from the following words, I read the possibility of doing right by the name my great-grandfather saw fit to keep.
I think somewhat like the Chinese. I honor the father for his son, but not the son for his father. Let each one receive his reward or punishment for his own deeds, not for the deeds of others.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)