Daghang salamat sa libro Manong Cbs. Magpopost ako ng review kapag natapos ko na. Salamat sa pagsalubong at paghatid ng regalo, Belle. Maraming salamat sa mga kasama kong maglakad, mga katulaan, at kakwentuhan. Sa mga nagpapahirap ng buhay, salamat na rin. May patiktik-tiktik pang nalalaman. Para nga naman may konting saya, di ba? Kung talagang kilala ako, dapat batid na batid na may nakatakdang araw sa kalendaryo. Nakapangalan na. May puso pang pamilog sa numero, panigurado.
Bati sa Araw
Araw dumarating ka
tila amang may tangang talim
ng karayom upang sungkitin
ang salubsob sa paa dibdib mata
o kamay ng kanyang nagdadalaga
maligayang bati muli
bagunsilang na Araw ikaw ay dilaw at lunti
at pinuksa mo ang lasa ng dilim
na maalat parang dagat parang hikbi parang itim
hindi na ako nagpaalam sa gabing hati
bukas ang buong palad ko sa iyong umaga
Araw buhayin mo ako bilang dionisio hesus o umaga
dalhin mo ako sa rurok ng daigdig
sa lalim ng dagat sa hita ng diyos sa iyong pinakadidbdib
at sa iyong kamatayan
umaalis ka Araw
tila amang may tanging talim
ng balaraw upang kitilin
ang hakbang hinga pagsinta
at alay ng kanyang nagbibinata
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento