Maganda ang holiday isyu ng Philippine Graphic para sa mahilig sa panitikan. May siyam na maiikling kuwento at anim na tula rito. Maiigsi ang mga kuwento, karamihan dadalawahing pahina sa lay-out ng mag. Ngayon ko rin lang napansin na may kuwento na sa Filipino sa Graphic, dalawa yata sa siyam. Sana mapuna ng mga kaibigan at estudyante ko na matagal nang naghahanap ng venyu para sa mga kuwento nila sa Pinoy. Hindi ako sigurado kung maglalabas ang Graphic sa ganitong wika at haba lagpas sa 2005. Maaaring para lang ito sa holiday isyu.
Sana nga, bukod sa pampabuwenas ito ay maging senyal na rin ng mga parating na pagbubukas at pagbabago.
May dalawang tula ako sa isyung ito, "Belen" at "Duwende." Sa Filipino ang una at sa Ingles ang ikalawa. Ayokong palampasin ang pagkakataong magpasalamat sa pagbasa at payo nina Doc Cirilo sa unang piyesa at nina Gummi, Ana, at Nathan sa ikalawa.
Sa lahat ng mga regular at paminsan-minsang napapadpad sa hapag na ito, salamat muli't muli sa pakikisalo. Magtakaw sa media noche! Inaasahan ko ang silakbo ng inyong bagong taon.
1 komento:
prof, nakuha ko na yung libro. salamat ng marami. (kelan kaya maikakatalogo ito sa library of congress? **inip, inip**)
gagawan ko to ng rebyu. sana pumasa sa panlasa, wehehe, isang kritikong dumadagundong. as in dagundooong!!!
Mag-post ng isang Komento