Dis 24, 2005

Hindi Panahon, 2005

The news from home is mainly concerned with disaster, floods and gales and houses collapsing. I am very lucky to be here in the warmth and so I will crush down the embittered nausea which the festive season arouses in me and plunge into gaiety with an adolescent whoop.

Noel Coward
December 24, 1954
Diary entry in Jamaica



EKSENA: Nag-uusap ang magkumpare sa telepono. Si M ay may malaking bahagi sa pagmamay-ari ng minahan. Si L ay may ehekutibong posisyon sa kompanyang may logging concessions(L). Kapwa sila may interes sa kompanya ng isa. Malaki ang impluwensya ni M sa kompanya ni L. Pareho silang nakabase sa Oriental Mindoro.

M: O brod. Napatawag ka?

L: Napanood mo sila? Naninisi pa ano? Kasalanan ba natin ang bagyo?

M: Watched them. But hey, alam mo bang me senador o basta mambabatas na sumubok magpasa ng batas, ipinagbabawal ang bagyo? Panahon ata ni Diosdado Macapagal.

L: Ang dapat ipagbawal, brod, taong nagrereklamo sa kapwa tao. Kalikasan iyan, may casualties talaga!

M: Oo nga, pero hot ka e. Si Defensor na nga ang nanawagan na walang sisihan, hindi panahon ng propaganda-

L: Bakit may makikinig pa ba sa kanya? Tayo itong masasakal ang operasyon. Apektado rin naman tayo ng bagyo a. Tigil rin naman tayo, tapos Pasko pa, ano karga de konsyensya ko pa ang kamay naman ng Diyos?

M: Easy lang, brod!

L: Ano ka ba? Dati naman nagpapatakbo ka rin a? Wala ka na bang kamay sa kompanya mo? Bakit parang easy-easy ka masyado. Iba na ang media ngayon, sobra na kung makagatas.

M: Brod, sige mag-vent ka lang. Kaso tandaan sana, it's just another issue. Come new year, come regular ops natin, may bagong susulpot, man. Alam mo ito. Wife and kids, wife and kids, brod. Huwag kang mawalan ng focus.

L: Inaayos ko naman e. Kaso brod, kapag tiningnan mo projections, medyo magkakaproblema talaga ops namin. Kayo rin, malamang sa malamang. Ano lay low? Hindi puwede!

M: Oh these people. Napasadahan lang ng chopper na may rescue at cam, ano? Sabi nga ni Warhol, lahat may fifteen minutes.

L: Kung hindi naman Pasko kinse minutos nila, walang papansin sa kanila, sandali lang rin ang media sa kanila. Kaso gusto talaga nilang mag-capitalize sa irony, brod. Kasi bagyo hataw ang timing. At sila, sige nasalanta sila! Kaso bago ito? Kala mo naman magkaka-ekonomiya pa sa lugar na ito, magkakatrabaho-

M: Brod, keep your eye on the ball, okey? Damage control! Relief goods, missions, the usual, ongoing? I suppose may involvement kayo sa rescue ops? At huwag kang mag-alala, the people are working. Just pay the bills.

L: Diyos ko, bills. Ikaw na nag nagpapakain, ikaw pa ba aasikaso sa pader? So sige, pay the bills-

M: And there are better people to call. Pero of course, of course, sama-sama tayo dito. It's the season after all. At panahon ring maging cool lang, ano brod, tama? Iyon din naman ang praktikal.

L: Salamat, brod. Nangyari na nga rin naman. Alangan namang masira pa noche buena natin dito.

M: Ganito. Watch out for fireworks from my direction. Sa Vista ka naman magdidinner, right? Alas onse, dose, tuloy-tuloy na putukan. Will cheer you up, promise.

L: Salamat. Hindi naman ako makalayo kaya sa Vista lang kami, at oo, matatanaw ko iyan.

M: And you should've called the right people. Pero kung hindi pa nagagawa, palipasin na ang Pasko ha? Tayo ang lulugar sa timing dapat. At regalo, regalo ang pinakamagandang magpalipas ng panahon ngayon.

L: Sige brod, happy holidays sa inyo, pakihalik. At ang inaanak mo bumabati rin, mag-eelementarya na next school year.

M: Good to hear. Listen brod, nakatulong din ang tawag mo sa akin, okay? So get some sleep. We don't always get a wet Christmas. Masarap sabayan ng mainit na tsokolate.

L: Okay, naglabas lang din ng sama ng loob. Salamat talaga.

M: Mga ignorante lang talaga, pabayaan mo na. Merry Christmas, Merry Chrsitmas. The fireworks, okay? The fireworks! O siya sige, brod, bye!

Ibinaba ni M telepono. Sumunod si L.

L: Okay, okay. Sino pa bang dapat tawagan? Sino pa ba?

M: Fucking retard. I can't believe he's staying. Hindi na magtatagal iyon, walang hawak sa sariling bayag. Vulnerable siya, vulnerable ang kompanya niya.

Bisperas ng Pasko. Hindi makasalo nang maayos sa noche buena ng mag-anak si L. Hindi niya maalis sa bintana ang kanyang titig. Walang fireworks. Wala ni isang putok.

2 komento:

cbs ayon kay ...

maraming salamat po sa libro, prof, kahit di ko pa sha natatanggap.

maligayang pa...di na lang bale. di naman ata uso.

all the best na lang po sa bagong taon. ayann, mukang mas apt.

Dennis Andrew S Aguinaldo ayon kay ...

salamat, cbs!