Ene 25, 2008

Sefirot V

iv. Hate the game, not the player.

i. Ayon sa leyenda, linggo-linggo isinasaayos nina Hanani & Hoshaiah ang mga titik ng Sefer Yezirah upang makalikha ng 3 taong baka na kakatayin para sa hapunan.

vii. 3 ang kanyang taghiyawat.

viii. Buntis ang tawag sa baterya ng mobile kapag nasobrahan ito sa kuryente, namaga, & nawalan nang silbi bukod sa pagpapaikot nang parang trumpo sa “tiyan” nito.

ii. Sapagkat tinanggap na pambansa ang utang na P3.798-T, nakapanata ang bawat Filipinong sanggol, tinedyer, & matanda sa personal na utang na P42,656.45.

vi. Sa pag-aaral ng mga asesino sa bibig, nagniniig ang pagkilala sa gutom & paghubog sa gutom ng target.

iii. 4 ang naghati sa jackpot ng Super Lotto na P133-M.

ix. “Diplomasyang pingpong” dahil inimbitahan ng Tsina ang Estados Unidos na magpadala ng kupunan sa Table Tennis Tournament noong 1971.

v. Daga ang watawat ng taong 2008.

Ene 23, 2008

Opening Rites

I said no to the Los Banos students who wanted to be excused from classes to attend the Opening Rites of the Centennial in Diliman. They insisted, so I insisted on my No. They said, But it's going to be historic, sir. Their other teachers said so. The papers. The upperclassmen. The religious groups. The frats. The activists. In that progressive order. I said, Historically, the university brought the Philippines to it's current state. They of course protested. That's what students are for. They said, Sir, you can't blame the university! I said, If that's the case, what's the school's excuse to last another hundred years? But they already heard the word "excuse" and took off. In their wake, they left the corridors, SLEX, and EDSA, littered with maroon and green confetti.

Ene 19, 2008

Sefirot IV

iii. Alay ni Richard Wilbur ang mga pariralang “matatas kayong managinip” sa mga makatang Etrusci sapagkat nanatili ang kanilang mga titik hanggang sa panahong wala na, ni 1, ang makahagilap sa malayong wika.

viii. Dinukot ang 5 pinagsusupetsahang nagbabalak ng destabilisasyon ng pamahalaan.

v. Ang kamatayan ng maligalig na henyong si Bobby Fischer sa edad na 64.

i. Kambal ang kanyang tawa & yamot tuwing bumibigay ang kanyang takong.

vii. Ang bibig ng target ang huling hantungan ng mga lasong niluluto ng asesino mula sa mga sangkap gaya ng mga halamang-dagat, puffer fish, almond, sari-saring bulaklak, &bp.

vi. P3,732 kada bariles ng krudo.

ii. 8 crewman ang naligtas sa may Batanes.

ix. Aklat ang uniberso, & ayon sa mga Hudyo susi ang tamang kombinasyon ng mga letra & numero sa pag-intindi sa daigdig & paglikha ng buhay dito.

iv. Nympha vox

Ene 11, 2008

Sefirot III

ix. Palad ang kanyang instrumento sa pagdinig ng puso.

iii. Ginamit ni YHWH ang 22 titik upang buuin ang mga nilalang sa 3 antas ng uniberso - ang daigdig, panahon, at katawan ng tao.

vi. Ayon sa liksyon ng mga mata, ang unang 2 entrada sa taong target, mahalaga para sa mga asesino ang pagmanipula sa mga senyas.

viii. Pesos fuertes, o malakas na piso, ang pangalan ng unang salaping inilimbag ng El Banco Espanol Filipino de Isabel II noong May 1, 1852.

v. Ipinagmisa rin ng mga deboto ang 2 namatay sa pag-abante ng Itim na Nazareno.

vii. Bago ipinamalita ng kumpanya ng kape ang antioxidants bilang bentahe ng produkto, inilahok muna nito sa label ang paalala na "nakadaragdag ang kape sa pang-araw-araw na konsumo ng tubig."

ii. Kinakain na ng munting pating ang kanyang kapatid sa loob ng sinapupunan.

iv. Partie honteuse

i. Tinaguriang penoscrotal transposition ang kondisyon ng sanggol na nasa ibabaw ng titi ang bayag.

On Irma Lacorte's "Rigodon"

This exhibit of pencil drawings opens at 6pm on January 17, 2008 at Art Informal, 277 Connecticut St., Greenhills, San Juan.



i
combinatoria

The series is an invitation to storytelling. All by itself one image – a spoon or an ampersand, for instance – strikes as insight. Taken together, the nine frames form a puzzle. But it is a plural puzzle, informed by all the permutations of arrangement and movement within the eye: moving in line as a row or column, or in the zigzags of pairs, or in circles along the manifold possibilities of jumbling the tiles.

Pieced together every which way, the nine images generate stories. The frames extend the dance between artist and medium to involve the whimsy and memory of the artviewer, the artseeker. In the end – or insofar as such a project allows finality – the viewer becomes co-maker.

 



ii

hydra


The heart as a vessel contains dream, object, sign. Live with the ligaments of memory, the series traces the contours of a moment, the texture of fleeting experience.

The images flash in mid-throb. But one image does recur, the headless runner. Rid of much vertical baggage – vanity among them, we may conjecture – she leaps every which way, freed from direction or the need for intent. Concern being the least of her concerns, we find, in the wake of her sprints, our own narratives told and retold, passed on, and thrown away. Lost. Yet always running: our stories, in all ways, regenerating.




iii

wika


Speech, in the form of questions, springs from this decapitation. Which story is expendable? Which reading is least valid? Which emotion is of the least significance? Whose life is least worth living? This device of the nine frames takes in all perspectives. Yet, with grace, it refrains from boxing them in. Instead, with contagious exuberance, the frames multiply and deepen human experience in a single visual gesture.

In a primal way, the series offers us idiom. Arbitrary and framed, it carves a language off our lives. The series is a myriad face. Each cardioglyph is a mouth.


Ene 5, 2008

Sefirot II

iii. Bawal ang mga Overseas Filipino Workers sa 4 na bansa.

ix. Walang mga kneecap ang sanggol & nagkakaroon lamang ng ganitong bayugo ang tao sa pagitan ng 2 hanggang 6 na taong gulang.

ii. Bien je mourrais, plus que vivante, heurese.

vi. Ayon sa mga asesino, may 9 na tarangkahan ang sinumang target na maaari nilang pasukin upang linlangin, manduhan, o patayin ito: ang 7 butas ng mukha, ang ari, & ang puwet.

viii. Ang pagiging ama ni Patrick Garcia.

vi. Kabilang sa 32 lihim na landas ang 10 numero o Sefirot & sa pamamagitan ng mga ito nilalang ng Diyos ang mga abstraktong bagay.

ii. P41.02 : $

v. Sapagkat malamlam ang Christmas lights, hindi muna niya ibinaba ang mga ito mula sa pader.

vii. Ika-16 na sunog ng 2008 ang naganap sa Galleria Baclaran Shopping Mall.