ni Witold Gombrowicz
aking salin
At gayon sila nakatayo, nakatayo hanggang kinamot ni Ciumkała ang likod ng kanyang tainga; at habang nagkakamot siya ng tainga, hinaplos-haplos ng Baron ang kanyang bukong-bukong at si Pyckal naman, ang kanyang kanang binti.
Wika ng Baron: "Huwag Kamutin ang iyong sarili." Wika ni Pyckal: "Hindi ako Nagkakamot ng aking sarili." Sinabi ni Ciumkała: "Nakapagkamot na ako." Sabi ni Pyckal: "Kakamutin kita." Wika ng Baron: "Magkamot, hala magkamot! iyan ang dahilan kumbakit narito ka!" Wika ni Pyckal: "Hindi kita Kakamutin, Sekretarya mo ang kakamot sa iyo." Wika ng Baron: "Kakamutin ako ng aking sekretarya kung uutusan ko siya." Sabi ni Pyckal: "Kukunin ko ang iyong Sekretarya para sa aking Sarili."
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento